Miss kita.

Written by:

Dami kong gustong i-kwento.

Ang dami kong gustong sabihin sa iyo.

Pag nagtext kaya ako,

Ako kaya’y rereplyan mo?

Nababaliw na ako kakaisip sa iyo.

Nabulunan ka na ba at naisip mong

“Ay si Boss.”

Sana pag naisip mo, paramdam ka naman.

Medyo nasasanay na kasi ako.

Nasasanay na wala ka na sa sistema ng mundo ko.

Nasasanay na sa ideya na malabo ang tayo.

Alas kwatro na ng umaga.

May pasok pa ako mamaya.

Napuyat na naman ako sa kabaliwan ko.

Sana bukas tanggap ko na.

Na hanggang dito lang tayo.

Boss, Miss na kita.

Leave a comment

Latest Articles

Previous:
Next: